May ulan ng pagpapala; Ito'y pangako ng Diyos; May panahon ng ginhawa, Buhat sa Manunubos.
REFRAIN
Ulan ng pala, Na ating kailangan; Pumapatak na ang awa, Nguni't ang hingi'y ulan.
May ulan ng pagpapala-- Mahalagang buhayin; Sa burol at kapatagan, May ulang masisinsin.
May ulan ng pagpapala; Ibuhos na sa amin; Kami'y bigyan Mong ginhawa; Salita Mo'y tuparin.
May ulan ng pagpapala; Sana ngayo'y bumuhos, Ngayong nagtatapat sa Diyos At nanawag kay Jesus.